-- Advertisements --
image 400

Kinondena ng Russia ang desisyon ng Denmark at Netherlands na mag-donate ng F-16 fighter jet sa Ukraine. Giit ng Russia, ang hakbang na ito ay magpapalala lang sa labanan.

Matatandaan na naganunsyo ang Denmark at Netherlands noong Linggo na magsusuplay sila ng mga F-16 sa Ukraine, at ang unang anim ay ihahatid sa Bagong Taon.

Ayon kay Russian ambassador Vladimir Barbin, ngayong nagpasya na ang Denmark na mag-bigay ng 19 F-16 aircraft sa Ukraine, tingin niya ay hahantong ito sa paglala ng gyera.