-- Advertisements --

Nagbabala ang Russia na kanilang puputulin ang relasyon nila sa European Union matapos na patawan sila ng sanctions.

Sinabi ni Russian Foreign Minister Sergei Lavrov , na hindi sila magdadalawang isip na putulin ang relasyon dahil sa pangyayari.

Ayaw aniya ng Russia na ihiwalay ang saril sa ibang bansa subalit pinaghahanda na nila ang sarili kapag ituloy ng EU ang kanilang sanctions.

Magugunitang balak ng EU na patawan ng sanctions ang Russia dahi sa nagaganap na kilos protesta dahil sa pagdakip kay Russian opposition leader Alexei Navalny.