Hindi pinansin ng mga tropa ng Ukraine ang panibagong ultimatum ng Russia laban sa Ukrainian forces sa beseiged port city ng Mariupol para sumuko.
Una nang nangako ang Russian forces na magbubukas ng ligtas na humanitarian corridor para sa mga Ukrainian military personnel na boluntaryong susuko at lilisanin sa Mariupol.
Kahit napapalibutan na umano ang port city ng Mariupol subalit hindi pa ito bumabagsak sa kamay ng Russia.
Ayon sa city deputy mayor, aabot sa 130,000 mamamayan ang nananatiling trap pa rin sa Mariupol sa loob na ng 50 araw at kasalukuyang walang sapat na makakain, tubig at medisina.
Bago pa man nagtapos ang deadline ng Russia, umapela pa ng tulong mula sa lahat ng world leaders ang commander ng beseiged Azovstal power plant sa Mariupol na si Serhiy Volyna mula sa 36th Separate Marine Brigade at nagbabala na posibleng mayroon na lamang silang ilang araw na nalalabi.
Ang lugar ng Mariupol ay ang strategic target ng Russia dahil sa oras na makubkob ito ng Russia makokontrol nito ang southern at eastern Ukraine.
Ito rin ang key export hub ng steel at coal, ito rin ay tahanan ng Ukrainian militia unit na tinatawag na Azov brigade na mahalagang propaganda tool para sa Moscow at makakatulong din ito sa Kremlin para ipakita sa mamamayan nito na nakakamit ng Russia ang mga layunin nito.
Para sa isang Ukrainian marine commander sa Mariupol inamin nito na maaring ilang oras lamang ang kanilang itatagal sa pagdepensa sa siyudad dahil sa matinding ginagawang pag-atake at pambobomba sa kanilang hanay ng mga Russian forces.