Inilunsad ng Russia ang isang rocket dala ang lunar landing craft na Luna-25 mula sa Vostochny spaceport sa layong mahanap ang umano’y tubig sa buwan.
Ang south pole ng buwan ay nakapukaw sa interes ng mga siyentista na naniniwalang naglalaman ng tubig ang permanently shadowed polar craters ng buwan.
Ito naman ang kauna-unahang moon mission ng Russia makalipas ang halos 50 taon mula noong 1976.
Inaasahang makakarating sa buwan ang Russian lunar lander sa Agosto 23 at aabutin ng lima’t kalahating araw ang paglalakbay nito sa bisinidad ng buwan at tatlo hanggang pitong araw na lilibutin ang natural satellite bago tumungo sa surface ng buwan.
Ang naturang spaceport kung saan inilunsad ang rocket ay pet project ni Russian President Vladimir Putin at mahalaga ito sa kaniyang layunin na gawing space superpower ang Russia at ilipat ang pagsasagawa ng Russian Launches sa Baikonur cosmodrome sa Kazakhstan.