-- Advertisements --
Nagpahayag ang Russia ng kagustuhan na magkaroon ng “mutually respectful” relations sa United States.
Muli ding itinanggi ng Russia na isa silang banta sa Ukraine kasunod sa paghahanda ng United Kingdom ng panibagong sanctions sa Moscow.
Nagkaroon kasi ng tensyon ang US at Russia ng naglagay sila ng mahigit 100,000 sundalo sa border nila ng Ukraine.
Ayon kay Russian Foreign Minister Sergei Lavrov na nais nila ng maganda, pantay na relasyon sa US gaya ng ibang bansa.
Kasabay din nito ay naghayag ang Russia ng hiling gaya ng pagtanggal ng puwersa ng NATO sa border nila ng Urkraine at ang pagtigil sa pagrecruit ng miyembro kabilang ang Ukraine.