-- Advertisements --

Nagpakawala ng deadly strikes ang Russia sa Ukraine kasunod ng pagpaigting ng kyiv ng depensa para mabawi ang southern Kherson region.

Nagresulta ang pambobomba ng Russia sa pagkasawi ng 5 katao habang nasa 26 naman ang nasugatan sa central city ng Kropyvnytskyi at nasa tatlong katao naman ang namatay sa Bakhmut sa eastern part.

Mayroon ding 15 katao ang nasugatan sa isang military base malapit sa kabisera ng kyiv.

Ang panibagong pag-atake na ito ng Russia ay kasunod ng planong pag-isolate ng Ukraine sa mga sundalo ng Russia sa southern Ukraine.

Ito ay matapos na pasabugin ng Ukrainian forces ang pangunahing tulay na Antonivsky Bridge patugong Kherson city gamit ang long-range rockets na isinuplay ng US. Dahil dito, magiging imposible para sa Russia na makapagpadala pa ng kanialng mga sundalo at mga armas.

Top