Ipinakita sa satellite image ang malaking pagbuo ng Russia ng kanilang military build-up sa Arctic region sa pamamagitan ng testing ng kanilang bagong super weapon.
Ipinakita rin ang key shipping route mula Asia hanggang Europe.
Dahil dito, nababahala naman ang mga weapon experts at Western officials may kaugnayan sa Russian super weapon na pinangalanang Poseidon 2M39 torpedo.
Naging mabilis umano ang paggawa ng nasabing torpedo matapos humingi ng update si Russian President Vladimir Putin sa key stage at masubukan na ito pagdating sa buwan ng Pebrero o nitong taon.
Ang nasabing torpedo ay pinalakas ng isang nuclear reactor at may capacity itong makalusot sa mga coastal defenses gaya ng Amerika sa sea floor.
Sinabi ni Christopher A Ford, assistant secretary of state for International Security and Non-Proliferation, idinesinyo umano ang Poseidon upang makalusot sa mga lungsod at baybayin ng Estados Unidos na may mga radioactive tsunami.
Naniniwala ang senior State Department official na malinaw na may hamon sa militar mula sa Russian Arctic region ang ipinakita nilang super weapon. (with reports from Bombo Jane Buna)