-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Russia ang pagpapalipad nila ng dalawang nuclear-capable bomber kaharap ng Alaska.
Sinabi nig Russia Ministry of Defense, na ang pagpapalipad nila ng TU-160 strategic bomber o tinawag na White Swan ay isang uri ng supersonic Soviet-era aircraft capable na kayang magdala ng hanggang 12 short-range missile, ay bilang bahagi ng kanilang training exercise.
Ang nasabing eroplano ay kayang lumipad ng hanggang 12,000 km ng walang tigil at hindi nagpapa-refuel.
Galing ito sa kanilang home base sa western Russia at pinalipad sa Andyr sa Chuktoka region kaharap ng Alaska.
Matatapos ang nasabing tactical exercise hanggang sa katapusan ng linggo.