Nagpataw ng parusa ang Russia laban kay US President Joe Biden, kanyang anak, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, ilang US officials, at mga iba pang mga indibidwal na nauugnay sa kanila.
Nakasaad sa isang statement na inilabas ng Russia na inilalagay nito ang naturang mga indibidwal sa “stop list” na nagbabawal sa mga ito na makapasok sa bansa.
Inihayag ito ng Russian Foreign Ministry at sinabing ito ay bunga ng labis na Russophobic course na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon ng U.S.
Ito ay pumapatungkol sa parusang ipinataw ng Washington sa mga Russian officials sa gitna ng pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Samantala, sinabi naman ng foreign ministry na sa kabila nito ay pinapanitili pa rin nito ang official relations Russia sa Amerika at kung kinakailangan anila ay titiyakin din ng mga ito ang high-level contacts sa mga taong kabilang sa listahan.