Nagsagawa ng Sarmat intercontinental ballistic missile (ICBM) ang Russia.
Ayon sa defense ministry nito, nagsagawa sila ng test launch ng Sarmat intercontinental ballistic missile.
Ang missile ay pinaputok mula sa isang silo launcher dakong alas-3:12 ng hapon sa Plesetsk State Test Cosmodrome sa rehiyon ng Arkhangelsk patungo sa Kura test site sa Kamchatka Peninsula sa malayong silangan ng Russia.
Iniulat ng defense ministry na nakarating ito sa mismong designated area sa Kamchatka at sa oras na makompleto ang test program nito ay magseserbisyo ang Sarmat kasama ang Strategic Missile Forces ng Russia.
Samantala, nagpaabot naman ng pagbati sa military si Russian President Vladimir Putin dahil sa kanilang naging matagumpay na missile testing.
Ang RS-28 Sarmat ay idinisenyo upang palitan ang Sovier-era na Voevoda ICBM o mas kilala rin sa tawag na NATO designation bilang SS-18 Satan.
Ito ay isa sa mga sandata na binanggit ni Putin sa isang talumpati noong 2018 kung saan ay ipinagmalaki niya ang mga bagong armas na gagawing “ganap na walang silbi” ang mga depensa ng NATO.