-- Advertisements --
Nagtala ang Russia ng bagong record na pinakamataas na kaso ng kamatayan dahil sa COVID-19 sa loob ng isang araw.
Ayon kay Russian Health Minister Mikhail Murashko na mayroong kabuuang 973 ang bilang ng nasawi sa loob ng isang araw.
Mayroong 1.1 milyong katao na rin ang kasalukuyang nagpapagaling matapos na dapuan ng COVID-19.
Tiniyak din nito na patuloy ang kanilang pagpapaigting ng pagpapabakuna.
Maraming kasing mga Russians ang hindi nagtitiwala sa bakunang gawa nila na Sputnik V.