-- Advertisements --

Ibinunyag ng Russia na kanilang naharang ang US at Swedish reconnaissance aircraft sa Baltic Sea.

Ayon sa Russian Ministry of Defense , na isa ito sa serye ng kanilang parehas na pagkaka-harang habang nagaganap ang tension sa pagitan ng US at Russia.

Agad naman nilapitan ng kanilang Su-27 fighter sa “safe distance” ang US Air Force RC-135 spy plane at Swedish Air Force Gulfstream reconnaissance aircraft.

Ang RC-135 ay reconnaissance aircraft na ginagamit para sa intelligence collection.

Kinumpirma naman ng US military ang nasabing encounter pero nilinaw na ito ay safe at professional.