-- Advertisements --

Ibinunyag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na nilusob ng mga sundalo ng Russia na kontrolin ang Chernobyl Nuclear Power Plant.

Ayon pa sa Ukrainian president na may mga sundalo na sila ang nasawi dahil sa pagtatanggol sa lugar para hindi na makalapit pa ang mga sundalo ng Russia.

Inamin naman ni Ukrainian presidential adviser Mykhaylo Podolyak na hindi na nila nakontrol ang Chernobyl site.

Magugunitang noong Abril 1986 ay nagkaroon ng pinakagrabeng nuclear disaster sa kasaysayan kung saan apat na reactors nito ang sumabog at marami ang nasawi.

Ang mga sumabog na reactor ay tinakpan ng protective shelters ng matagal para maiwasan ang pag-leak ng radiation.