-- Advertisements --

Nanawagan ang gobyerno ng Russia sa mga retirado nilang doctors na bumalik sa trabaho.

Kasunod ito sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na mahalaga ang pagbabalik trabaho ng mga nagbitiw na doctor para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Itinuturong dahilan aniya ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Russia ay ang mabagal na vaccination program ng bansa.

Maraming mga mamamayan nila ang duda at hindi nagtitiwala sa sariling bakuna ng Russia.