-- Advertisements --

Ibinunyag ng Kyiv regional administration na mayroong matinding labanan sa mga rota sa labas ng kanilang kapital.

Kinabibilangan ito ng main highway ng Zhytomyr at bayan ng Makariv.

Maging ang lugar ng Bucha, Irpin at Hostomel at ang Vyshorod district.

Ayon kay Kyiv Mayor Vitali Klitschko na ginagawan ng Russia ang lahat ng kanilang makakaya para makontrol ang Kyiv.

Nakahanda aniya silang sabayan ang Russia sa pakikipaglaban.