-- Advertisements --
Pabalik na sa kanilang base ang ilang sundalo ng Russia na unang itinalaga sa border nila ng Ukraine.
Ayon sa defense ministry office ng Russia na kahit na kanilang pinabalik ang ilang sundalo nito ay patuloy pa rin nila ang large-scale drills sa lugar kasama ang bansang Belarus na magtatapos ng hanggang Pebrero 20.
Nauna rito mahigit 100,000 na mga sundalo ng Russia ang inilagay sa border nila ng Ukraine na ikinabahala ng US at mga kaalyado nito.
Mariing pinabulaanan naman ng Russia na sila ay lulusob sa Ukraine.