-- Advertisements --
Pinatawan ng four-year ban sa lahat ng major sporting events ng World Anti-Doping Agency (WADA) ang Russia.
Nangangahulugan nito na hindi makakapaglaro ang Russia sa Tokyo 2020 Olympics at Paralympics ganun din sa 2022 World Cup sa Qatar.
Maaring makasali ang mga atleta na hindi natitinag sa doping scandal basta sila ay lalaban sa neutral flag.
Tinawag naman na chronic anti-Russia hysteria ni Russian prime minister Dmitry Medvedev ang nasabing pag-ban sa kanilang atleta.