-- Advertisements --

Mahigit 400 missiles ang pinaulan ng Russia sa Ukraine.

Ito ay sa gitna pa rin ng mas tumitindi pang kaguluhan sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon sa isang opisyal, sa ngayon ay mayroon pa rin namang air missile defense system ang Ukraine na nananatiling “viable, intact, at engaged.”

Idinagdag pa nito na habang hindi pa nakakamit ng Russia ang air superiority ay may mga lugar pa rin kung saan sila ay may higit na kontrol kaysa sa iba.

Samantala, sa naging talumpati naman ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy sa European Parliament ay inilarawan nito ang kaluslunos na trahedya na idinudulot ng pananalakay ng Russia sa kanilang bansa kung saan ay dalawang missile aniya ang tumama sa ikalawa sa pinakamalaking lungsod sa Ukraine, na naging dahilan naman ng pagkasawi ng maraming buhay.