-- Advertisements --

Pinaulanan ng Russia ng mga missiles ang maramign bahagi ng Ukraine.

Unang tumama ito sa Ohmatdyt Children’s Hospital sa Kyiv.

Ayon kay Kyiv city Mayor mayor Vitaliy Klitchsko na dalawa ang nasawi kabilang ang baguhang doctor.

Ilang missile debris din ang ang hiwalay na tumama sa medical center sa Dniprovsky district ng lungsod kung saan sinasabing pitong katao ang nasawi.

Mayroon ding pitong katao ang nasawi rin sa Solomyansky district habang mayroong 10 naman ang nasawi sa Kryvyi Rih city at tatlong iba pa ang nasawi sa Pokrovsk.

Nanguna si British Prime Minister Keir Starmer sa nagkondina ng nasabing pag-atake sa pagamutan para sa mga bata.