-- Advertisements --

Plano ng Russia na ganap na makontrol ang Donbas at southern Ukraine sa ikalawang yugto ng tinawag nitong special military operation.

Ang pahayag na ito ni Rustam Minnekayev, deputy commander ng Russia central military district ang isa sa pinakadetalyadong ambisyon ng Moscow sa Ukraine at sinabing wala plano ang Russia sa ngayon na pahupain ang kanilang opensiba.

Ayon din sa deputy commander na magpapalakas sa access ng Russia sa Moldova pro-Russian breakaway region ng Transdniestria ang full control sa southern Ukraine.

Kaugnay nito, pinatawag ni Moldova foreign ministry ang Russian ambassador hinggil sa pagkabahala nito sa naturang pahayag ng Russia.

Ang statement na ito ay kasalungat aniya sa posisyon ng Russian Federation na sumusuporta sa sovereignty at territorial integrity ng republic of Moldova.