Naniniwala ang pinuno ng military intelligence ng Ukraine na posibleng pinaplano umano ni Russian President Vladimir Putin na hatiin sa dalawa ang Ukraine tulad na lamang ng kasalukuyang sitwasyon ngayon ng North at South Korea.
Ayon kay Ukraine Defense Intelligence Agency head, Brig. Gen. Kyrylo Budanov, hindi imposible para sa Russian army na pabagsakin ang Ukrainian government matapos na hindi naging matagumpay ang naging operasyon nito sa Kyiv.
Marami aniyang dahilan para paniwalaan ang teoryang ito na ang ibig sabihin ay sisikapin ng Russian forces na magpataw ng dividing line sa pagitan ng sinakop at hindi sinakop na rehiyon ng kanilang bansa.
Sa katunayan pa raw ay isa itong pagtatangka na lumikha ng North at South Korea sa Ukraine.
Dagdag pa ni Budanov, nananatiling matatag ang Russia sa hangarin nitong magtatag ng land corridor mula sa Russian border hanggang Crimea, at inaasahan nito na magtatangka ang nasabing bansa na pag-isahin ang mga teritoryong sinakop nito.