-- Advertisements --

Sinibak ng Russia ang British diplomat na nagtatrabaho sa embahada sa Moscow dahil sa umanoy pang-iispiya.

Ayon sa Russia’s Federal Security Service (FSB) na sinadya ng British diplomat ang pagbibigay ng maling impormasyon para makapasok sa bansa at mag-ispiya.

Ang ginawa nitong pang-iispiya ay malinaw na paglabag sa batas ng Russia.

Dagdag pa ng FSB na mayroon silang mabigat na ebidensiya ukol sa nasabing pang-iispiya nito na naglalagay sa panganib ang Russia.

Dahil dito ay binawi ng Russian Foreign Ministry ang diplomatic accreditation nito at inatasan nitong umalis na lamang sa bansa.

Ito na ang pangalawang insidente na mayroong empleyado ng British embassy na nang-ispiya na ang una ay noong Agosto.

Tinawag naman ng Britanyan na baseless ang nasabing alegasyon ng Russia sa kanila.