-- Advertisements --
Sinimulan na ng Russia ang pagkuha ng pinakamalaking bilang ng mga sundalo ngayong taon.
Sinabi ni Russian President Vladimir Putin na mayroong 160,000 na kalalakihan edad 18-30 ang kanilang ni-recruit.
Ang nasabing bilang ay siyang pinakamalaki mula pa noong 2011.
Una ng sinabi ni Putin na palalakihin nila ang bilang ng mga sundalo na mula aktibong 1.5 milyon ay magiging 2.39 milyon na ito ngayong taon.
Nilinaw naman ni Vice Adm Vladimir Tsimlyansky na ang mga bagong recruit na mga sundalo ay hindi nila isasabak sa paglaban kontra Ukraine.