-- Advertisements --
Sinimulan na ng Russia ang pagtuturok ng coronavirus vaccine sa mga volunteers sa Moscow.
Sinabi ni Deputy Mayor Anastasia Rakova, isinagawa ang pagturok ng bakuna sa mga volunteers sa klinika sa capital.
Ang “Sputnik V” ay pinondohan ng sovereign wealth fund na Russian Direct Investment Fund.
Ginawa ito ng Gamaleya research institute sa Moscow sa pakikipagtulungan sa Russian defense ministry.
Ayon sa Moscow City Government, na ang 40,000 katao mula sa capital ay makakatanggap ng dalawang bakuna na mayroong 21 araw na interval.