-- Advertisements --

Sinisi ng Russia ang US sa ginawang missile strike ng Ukraine sa bayan ng Sevastopol sa Crimea na ikinasawi ng apat na katao kabilang ang dalawang bata.

Sa nasabing insidente rin ay nasa mahigit 150 katoa ang nasugatan ng mahulog ang mga missile debris sa kalapit na dagat.

Ayon kay Kremlin spokesperson Dmitry Peskov na ang missile na ginamit ng Ukraine na ATACMS missiles ay naiprograma na sa US.

Tinawag pa nito na isang ‘barbaric’ ang hakbang dahil may mga bata ang nasawi.

Magugunitang sinabi ni Russian President Vladimir Putin na kaniyang gagantihan ang mga bansang magbibigay ng mga armas sa Ukraine.