-- Advertisements --

Target ni Russian President Vladimir Putin na ideklara ang panalo nito laban sa Ukraine sa May 9 kasabay ng pagdiriwang ng Russia ng anibersaryo ng victory nito laban sa Nazis ng Germany noong World War II.

Ayon sa mga opisyal ng European official, tradisyunal na ipinagdiriwang ng Russia ang naturang holiday sa pamamagitan ng military victory parade sa Red Square at nagbibigay din ng speech si Putin.

Sa isang buwan na lamang bago ang naturang okasyon, sinabi ng Western officials na nagsasagawa ang Russia ng regrouping at shifting ng kanilang pwersa na kumikilos patungo sa southeastern Ukraine na layon umano na makamit kahit papaano ang regional victory kung hindi man ang buong bansa.

Sinabi pa ng opisyal, posibleng magdulot ng mga pagkakamali sa Russian forces ang time pressure kasabay ng logistical issues at morale problems na kanilang kinakaharap.

Naniniwala rin ang isa pang European official na maaaring humantong sa military disaster bilang consequence ang political timeline ng Russia sa giyera.

Subalit maaari ring magresulta ito sa paggawa ng Russian forces ng pinangangambahang mas marami pang atrocities.