-- Advertisements --
Nakatakdang tanggalin na ng Russia ng kanilang mga sundalo na nakatalaga malapit sa border nila ng Ukraine.
Sinabi ni Russian Defence Minister Sergei Shoigu na isinagawa nila ang pag-alis sa mga sundalo nila matapos ang ilang linggong tensyon.
Muling iginiit nito na nandoon lamang ang mga sundalo dahil sa nagsasagawa ang mga ito ng military exercises.
Base kasi sa pagtaya ng European Union na mayroong 100,000 na mga sundalo ng Russia ang nasa border ng Ukraine ganoon din sa Crimea ang lugar na inangkin na ng Russia noong 2014.
Hanggang Mayo 1 ay tuluyan ng lilisanin ng mga sundalo ang border nila matapos na makumpleto ang kanilang operasyon at napatunayan ang kakayahan nilang magdepensa ng kanilang border.