-- Advertisements --
Ben Gurion International Airport
Ben Gurion International Airport

Pinabulaanan ng Russia na kanilang na-jam ang GPS signals ng paliparan ng Israel.

Mula pa lamang sa simula ng Hunyo ay nagkakaroon ng problema ang GPS signal ng Ben Gurion airport.

Dahil sa problema ay nahirapan ang mga piloto na gumagamit ng nasabing signal para mahanap ang nasabing location.

Ang nasabing insidente ay inihalintulad sa “electronic warfare” systems ng Russia na ginagamit nito para maprotektahan ang mga eroplano nito sa Hmeimm airbase sa Syria.

Tinawag naman na “fake news” ng Russian ambassador to Israel ang nasabing usapin na dapat ay hindi na ito bigyan pa ng pansin.