Tinanggal ni Russian President Vladimir Putin ang kaniyang top commander sa Ukraine na si Sergei Surovikin tatlong buwan matapos siyang ma-install sa nasabing posisyon.
Siya ay pinalitan ni Chief of the General Staff Valery Gerasimov na siyang mamuno sa special military operation.
Pinalitan ni Gen Gerasimov si Surovikin na nangasiwa kamakailan sa mga brutal na pag-atake sa imprastraktura ng enerhiya ng Ukraine.
Ginawa ang reshuffle habang sinasabi ng mga Russians na may progress na sila sa silangang Ukraine matapos dumanas ng sunud-sunod na pagkatalo ng militar nitong mga nakaraang buwan.
Inilunsad ng Russia ang pagsalakay nito sa Ukraine noong Pebrero 24.
Si Gen Gerasimov, na nasa post mula noong 2012, ay ang pinakamatagal na pinuno ng Russian general staff ng post-Soviet era.