Umaasa ang ilang opisyal ng Russia na mabibigyan na rin sa Pilipinas ng emergency use authorization sa lalong madaling panahon ang kanilang COVID vaccine na Sputnik V.
Ito ay makaraang kumpirmahin na rin ng ilang experts mula sa sikat na medical journal na The Lancet.
Una rito, umani ng kontrobersiya ang Sputnik V dahil sa kakulangan daw ng data na ibinibigay para ito ay masuri.
Pero ayon kay Kirill Dmitriev, ang CEO ng Russian Investment Fund, ang 92 percent na efficacy rate ng bakuna ay lalo umanong nagpalakas ng kumpiyansa sa maraming bansa.
Sa ngayon meron pang 12 mga bansa ang gagamit na rin ng Sputnik V mula sa dating 16 na mga bansa na gumagamit na nito.
Kinumpirma rin ni Dmitriev na nagpapatuloy din ang kanilang pakikipag-usap sa mga opisyal sa Pilipinas upang mag-supply din ng vaccine.
Sa Russia umaabot na raw sa apat na milyon ang naipamahagi na bakuna, habang taget nila na makapag-distribute pa ng 500 million doses ng Sputnik V worldwide bago matapos ang taong ito.
Una rito sa report ng Lancet paper nina Professor Ian Jones at Polly Roy kanilang pinatunayan ang pagiging epektibo ng Sputnik vaccine.
“The development of the Sputnik V vaccine has been criticised for unseemly haste, corner cutting, and an absence of transparency… “But the outcome reported here is clear and the scientific principle of vaccination is demonstrated, which means another vaccine can now join the fight to reduce the incidence of Covid-19.”