-- Advertisements --

Pinabulaanan ng Russia na ang alegasyon na sila ang nasa likod ng pagpapakalat ng maling balita tungkol sa coronavirus.

Ito ay kasunod ng pahayag ng US Officials na isang Russian-linked accounts ang nagpapakalat at nagsasabing ang Amerika ang unang nagpakalat ng virus.

Maria Zakharova
foreign ministry spokeswoman Maria Zakharova

Dahil sa alegasyon ay ipinakalat na rin ito ng ilang libong mga netizens sa iba’t-ibang uri ng social media.

Sinabi ni foreign ministry spokeswoman Maria Zakharova na isang peke ang nasabing alegasyon.

Sa kumalat na balita sinasabing ang US ang siyang pasimuno sa pagpapakalat ng nasabing virus.