-- Advertisements --
Umapela ang Russia sa Turkey na maghunos-dili sa paggamit ng labis na military force sa Syria.
Ayon kay Russian envoy Alexander Lavrentyev na kanilang kakausapin ang kaalyadong Turkey na kumalma lang upang maiwasang lumala pa ang tensiyon hindi lamang sa northern at northeastern regions ng Syria subalit sa buong teritoryo.
Inihayag din ng Russian envoy na hindi ipinaalam ng Turkey sa Russia ng mas maaga ang pagpapakawala nito ng strikes sa Syria at Iraq.
Una rito, nagpakawala ng serye ng strikes ang Turkish warplanes sa Syria at Iraq noong linggo na sumira sa 89 targets nito na may kaugnayan sa ipinagbabawal na Kurdistan Workers Party (PKK) at “YPG” na wing party ng PKK.