-- Advertisements --

Umaabot na sa apat na mga bansa ang sigurado na ang pagpasok sa last 16 mula sa 32 mga teams sa nagpapatuloy na FIFA World Cup sa Russia.

Ang mga bansang ito na umusad na sa knockout stage ay kinabibilangan ng host country Russia, Uruguay, France at Croatia.

Habang tanggal na sa next round ang Egypt at Saudi Arabia na tatapusin na lang ang elimination round.

Sa Group B, eliminated na ang Morocco.

Habang nag-aagawan pa na makapuwesto sa top two ang Portugal, Iran at powerhouse team na Spain.

Sa Group C, ang Denmark ay kailangan lamang makapuntos ng isa upang umusad, habang inaabangan din ang resulta sa harapan ng Australia at Peru.

Ang isa pang malakas na team na Argentina ay namemeligro na tuluyang malaglag, ay haharapin pa ang Nigeria.

Hindi pa kasi sigurado ang grupo ni Lionel Messi bunsod sa nakadepende pa rin na liban sa kailangan nilang manalo sa next match, dapat ding mamayani ang Iceland sa delikadong kalaban na Croatia.

Ang Brazil naman ay inaasahang uusad din sa last 16.

Gayundin ang Belgium at England.

Samantala nanganganib pa rin ang defending champion at world’s number 1 na Germany.

Ang mga top two teams sa group phase ang siyang magka-qualify sa last 16.

 

Latest complete standings as of June 23, 12NN

Group A

1.Russia – 2 wins, 6 points
2.Uruguay – 2 wins, 6 points
3.Egypt – 2 losses
4.Saudi Arabia – 2 losses

Group B

1.Spain – 1 win, 1 draw, 4 points
2.Portugal – 1 win, 1 draw, 4 points
3.Iran – 1 win, 1 loss, 3 points
4.Morocco – 2 losses

Group C

1.France – 2 wins, 6 points
2.Denmark – 1 win, 1 draw, 4 points
3.Australia – 1 draw, 1 loss, 1 point
4.Peru – 2 losses

Group D

1.Croatia – 2 wins, 6 points
2.Nigeria – 1 win, 1 loss, 3 points
3.Iceland – 1 draw, 1 loss, 1 point
4.Argentina – 1 draw, 1 loss, 1 point

Group E

1.Brazil – 1 win, 1 draw, 4 points
2.Switzerland – 1 win, 1 draw, 4 points
3.Serbia – 1 win, 1 loss, 3 points
4.Costa Rica – 2 losses

Group F

1.Sweden – 1 win, 3 points
2.Mexico – 1 win, 3 points
3.Germany – 1 loss
4.Korea Republic – 1 loss

Group G

1. Belgium – 1 win, 3 points
2. England – 1 win, 3 points
3. Tunisia – 1 loss
4. Panama – 1 loss