Plano ng Hong Kong’s flagship carrier na Cathay Pacific na ire-route ang flights nito sa pagitan ng New York at Hong Kong para makaiwas mula sa Russian airspace.
Magreresulta umano ito ng pinakamahabang passenger flight sa buong mundo.
Aaabot sa 16,600 km o 17 hours at 50 minutes ang biyahe sa pinaplanong bagong flight ng flagship carrier ng Hong Kong.
Ang hakbang na ito ng Cathay Pacific ay hindi dadaan sa Russian air space.
Maalala na matapos na umatake ang Russia sa Ukraine, marami na ring mga airline companies sa iba’t ibang panig ng mundo ang inihinto ang kanilang services sa Moscow o umiwas sa Russian airspace.
Nauna na ring sinuspendi ng Korean Air ang lahat ng operasyon ng passenger jets nito sa Moscow at Vladivostok sa mga ruta sa Russia hanggang sa buwan ng Abril bilang safety measure.