-- Advertisements --

Nagsagawa ng prisoners swap ang Russia at Estados Unidos.

Sinabi ni US Secretary of State Marco Rubio, na pinakawalan ng Russia ang Russian-American ballerina Ksenia Karelina

Ang Russian-American na babae ay nahatulang makulong ng 12-taon dahil sa treason sa Russia.

Giit ni Rubio na namali lamang ang Russia at napagbintangan si Karelina.

Kapalit naman na pinakawalan ng US si Arthur Petrov ang dual Russian-German citizen na ikinulong dahil sa smuggling, wire fraud at money laundering.

Natuloy ang nasabing palitan ng preso ng dalawang bansa matapos ang ginawang pulong ng kanilang kinatawan na ginanap sa Turkey.