Muling nakaharang ang US military aircraft ng dalawang Russian bomber na nakapasok sa Air Defense Identification Zone na sakop ng Alaska.
Ito na ang magkasunod na insidente na ang una ay noong nakaraang linggo.
Ayon sa North American Aerospace Defense Command, na ang unang formation ay binubuo ng dalawang Russian bomber na sinamahan ng dalawang fighter jets at suportado ng airborne early warning at control aircraft.
Ang pangalawang formation ay kinabibilangan ng dalawang Russian bombers na suportado ng isang warning at control aircraft.
Galing sa 32 nautical miles ng Alaskan Shores ang mga Russian military aircraft at ito ay nananatili sa international airspace hanggang nakapasok sa US sovereign airspace.
Hinala ng mga US defense officials na parang nagsasagawa lamang ng training missions ang mga Russian aircraft.
Ayon naman sa Russian Defense Ministry na ang kanilang bombers ay nasa scheduled flight sa neutral waters ng Chukchi Sea, Bering Sea at Sea of Okhotsk at Northern Pacific.
Ang nasabing insidente rin ay siyang pang-walong beses na ginawa ng Russia na makapasok sa karagatang nasasakupan ng US ngayong taon.