-- Advertisements --
Maxim Dadashev
Maxim Dadashev/ FB post

Pumanaw ang Russian boxer na si Maxim Dadashev matapos ang ilang araw na ma-coma dahil sa injury.

Kinumpirma mismo ng coach at trainer nito ang pagkamatay ang Russian junior welterweight fighter.

Nagtamo ito ng injury sa laban niya kay Subriel Matias ng Puerto Rico.

Itinigil na ng kaniyang trainer na si Buddy McGirt ang laban ng makita ang grabeng pinsala ni Maxim sa mukha sa ulo.

Agad na tinakbo sa pagamutan ito at lumabas sa pagsusuri na nagkaroon ito ng pagdurugo sa utak at sumailalim sa operasyon nitong Biyernes.

May record ito ng 13 panalo at isang talo sa edad nitong 28-anyos.