-- Advertisements --

Dumepensa ang embahada ng Russia sa Pilipinas matapos na namataan ang kanilang submarine sa karagatang sakop ng bansa.

Ayon sa pahayag ng Russia Embassy na walang nilabag na international law ang ginawang pagdaan ng submarine nila sa West Philippine Sea at exclusive economic zone ng bansa.

Nakasaad aniya sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa exclusive economic zone na lahat ng mga sasakyang pandagat maging submarine ay maaring magsagawa ng freedom of navigation.

Gaya aniya ng ilang mga sasakyang pandagat na ang kanilang submarine ay mayroong karapatan sa “innocent passage”.

Magugunitang ikinabahala ng mga opisyal ng bansa maging si Pangulong Ferdinand Marcos ang pagdaan ng submarine ng Russia.

Nakilala lamang ng Philippine Navy ang submarine sa pamamagitan ng radio inquiry kung saan pauwi na ang submarine sa Vladivostok matapos ang isinagawang naval drills sa Malaysia.

Matapos na makita ang nasabing submarine ay agad na nagpakala ang military ng kanilang navy ship at air force jets para bantayan ang submarine.