-- Advertisements --

Pinasalamatan at pinuri ng ambassador ng Russia si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa nuetral na posisyon ng Pangulo sa nagpapatuloy na giyera sa Ukraine.

Sa isang press forum, tinawag ni Russian Ambassador Marat Pavlov na balanced at wise ang naging posisyon ng Pilipinas at maaari pa aniyang mapalakas pa ang ugnayan s apagitan ng Pilipinas at Russia sa gitna ng global sanctions na kinakaharap ngayon ng kanilang bansa.

Ngunit sa kabila nito, naniniwala si Pavlov na maaari pa ring magkaroon ng normal diplomatic at trade relations ang Pilipinas at Russia at binigyang diin ang pagtatamasa ng dalawang bansa ng mutual beneficial interaction.

Nauna rito, bumoto ng pabor ang Pilipinas sa resolution ng UN General A ssembly noong Pebrero 28 na kumokondena sa pag-atake ng Russia sa Ukraine subalit sinabi ng Pangulong Duterte sa kanilang televised address noong nakalipas na linggo na nananatili siyang neutral at inihayag ang pagkakaibigan nila ni Russian President Vladimir Putin bilang kaniyang personal friend.