-- Advertisements --

Nagkumahog ang Russian fighter jets para palayasin ang eroplano ng US Air Force matapos na sakupin ang kanilang air space sa Pacific Region.

Ayon sa National Defense Command Center ng Russia na nagpakalat agad sila ng tatlong Sukhoi-35S para samahan palabas sa kanilang airspace ang B-52H bomber ng US.

Wala namang nalabag ang nasabing eroplano at hindi naman nagkaroon ng banta ito sa kanilang seguridad.

Agad naman silang bumalik sa kanilang base matapos na mapalayas ang eroplano ng US.