-- Advertisements --

Binigyan na ng Filipino citizenship ang Russian Figure skater na si Aleksandr Sergeyevich Korovin.

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act no. 12115, na naggawad ng Philippine citizenship kay Korovin kaakibat ng lahat ng karapatan, pribilehiyo, at prerogatives, at mga tungkulin at obligasyon sa ilalim ng konstitusyon at mga batas ng Pilipinas.

Sa sandali na makapag-oath of allegiance, bibigyan siya ng certificate of naturalization ng Bureau of Immigration upang makuha na niya ang buong Filipino citizenship.

Ang trenta anyos na figure skater ay inaasahang isa sa mga magiging pambato ng Pilipinas sa Asian winter games sa China sa Feb. 2025, at sa 2026 Winter olympics sa Italy.