-- Advertisements --

Idinepensa ng Russia ang ginawang pambobomba nito sa isang shopping center sa Kyiv.

Iniulat ng Russian forces na ginagamit ng Ukrainian forces bilang isang rocket store at reloading station ng mga high-precision long-range weapons ang lugar.

Una nang napaulat na napatay ang walong katao habang wasak din ang mga kalapit na gusali, tambak din ang mga durog na bato at maraming mga nasunog na sasakyan ang kumalat sa ilang daang metro.

Iginiit ni Defense Ministry spokesman Igor Konashenkov na ang mga lugar na malapit sa shopping center ay ginamit bilang isang malaking base para sa pag-iimbak ng mga bala ng rocket at para sa muling pagkarga ng maraming rocket launcher.

Ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine ay pumatay na ng libu-libong tao, displaced 10 milyon katao at nagtaas ng pangamba sa mas malawak na komprontasyon sa pagitan ng Russia at Estados Unidos.