-- Advertisements --
image 74

Inihayag ng pwersa ng Russia na malapit na nilang makubkob ang eastern city ng Bakhmut sa may Donetsk Oblast ng Ukraine.

Ang nasabing kabisera ay sentro ng masidhing labanan sa nakalipas na anim na buwan.

Base sa claim ng Russian Wagner private army head, na napapalibutan na nila ang nasabing kabusera na mayroong limitadong ruta palabas.

Habang ayon naman sa Ukraine military, ilang serye ng pag-atake ang naharang sa may eastern Donetsk sa nakalipas na 24 oras.

Nauna ng nagbabala nito lamang linggo si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na ang sitwasyon sa eastern front line ay nagiging pahirap ng pahirap pa.

Ang Battle of Bakhmut ay isang nagpapatuloy na serye ng military engagements sa loob at malapit sa Bakhmut sa pagitan ng Ukrainian Armed Forces at Russian Armed Forces sa kasagsagan ng itinuturing na pinakamalaking battle para sa Donbas region.

Nagsimula ang pag-atake sa Bakhmut noong May 2022, subalit ang main assault sa kabisera ay sumiklab noong 1 August ng nakalipas na taon matapos na makaabanse ang Russian forces sa Popasna direction makaraang umatras ang Ukrainian forces mula sa nasabing lugar.

Binubuo ng mercenaries ang nasabing assault force mula sa Russian paramilitary organization na Wagner Group, na sinusuportahan ng regular Russian troops at DPR at LPR separatist elements.