Naglunsad ng all-out assault ang Russian forces sa Azovstal steelworks , ang huling holdout sa kabisera ng Mariupol ayon sa Ukrainian forces.
Ayon sa commander ng Azov regiment na patuloy ang pakikipaglaban ng Ukrainian forces sa madugong digmaan sa loob ng planta sa ikalawang araw.
Napaulat na ang mga Russian forces ay nakapasok na sa teritoryo ng Ukrainian forces partikular saa planta matapos ang ilang araw na walang humpay na pag-atake.
Pinaniniwalaang nasa 200 sibilyan kabilang ang mga bata ang naipit sa kaguluhan sa loob ng planta.
Sa isang video message, ipinagmalaki ni Azov commander Denis Prokopenko ang kaniyang paghanga sa katapangan ng kaniyang mga sundalo na gumagawa aniya ng superhuman efforts para macontain ang pagsalakay ng kalaban at inihayag na ang sitwasyon ngayon doon ay lubhang napakahirap.
Kaugnay nito, muling umapela ng tulong sa UN si President Volodymyr Zelensky upang maisalba ang buhay ng mga inosenteng sibilyan na nananatili sa naturang planta.
Samantala, nangako naman ang Russia na magpatupad ng ceasefire simula ngyaong araw ng Huwebes, May 5 hanggang sa May 7 (08:00 to 18:00 Moscow time) para bigyang daan ang ligtas na paglikas sa mga sibilyan mula sa Azovstal plant.