-- Advertisements --
Kinumpirma ng Ukraine na nakubkob na ng Russian forces ang ikalawang pinakamalaking power plant sa kanilang bansa.
Itinuturing ang pagkakasakop ng coal-fired Vuhlehirsk power plant sa eastern Ukraine na unang strategic gain Russia makalipas ang mahigit tatlong linggo sa tinawag nitong special operation para ma-demilitarize at denazify ang Ukraine.
Ayon kay Ukraine adviser Oleksiy Arestovych, nagtamo lamang ng tiny tactical advantage sa pagkakakobkob ng naturang planta.
Lumalabas aniya na nagbago ng taktika ang Russian forces para mula sa dating opensa nito.
Ayon pa kay Arestovych, nagsasagawa din ang Russia ng massive deployment sa kanilang mga sundalo sa tatlong southern regions sa Melitopol, Zaporizhzhia regions at Kherson.