Patuloy na nagsasagawa umano ang Russian forces ng regrouping para palakasin pa ang kanilang pagsalakay sa eastern Donbas region.
Ayon kay North Atlantic Treaty Organization (NATO) secretary general Jens Stoltenberg sinusubukan ng Russia na mag-regroup, resupply at mag-reinforce.
Pagsisiwalat ng UK na magdadala ang Russia ng nasa pagitan ng 1,200 at 2,000 tropang militar mula sa Georgia bilang reinforcements.
Sinabi din ni Stoltenberg na hindi pa rin nagbabago ang layunin ng Russia na ipagpatuloy ang military operation nito.
Dahil sa patuloy pa rin aniya ang pag-atake sa mga kabisera ng Ukraine at nakikitang nagre-position ang Russia ng ilan sa kanilang tropa na pinakikilos para palakasin ang kanilang military operation sa Donbas region.
Ito ay sa kabila ng pangako ng Moscow noong araw ng Martes matapos ang pag-uusap ng negotiators nito at ng Ukraine sa Istanbul, Turkey na magbabawas na ng kanilang military activity sa northern Ukraine at magpopokus sa pagpapalaya sa Donbas region sa eastern Ukraine.