-- Advertisements --
Pinabulaanan ng Russian foreign ministry office na sangkot ang kanilang gobyerno sa tangkang paglason kay opposition leader Alexei Navalny.
Ayon kay Foreign Minister Sergei Lavrov, na walang ebidensiya na sangkot ang Federal Security Service (FSB) sa nasabing insidente.
Isa aniyang katawa-katawa ang nasabing balita.
Magugunitang nakaramdam ng pagkahilo ang 44-anyos na si Navalny matapos na makainom ito ng tsaa na nilagyan umano ng lason habang nasa loob eroplano mula Siberia at patungong Moscow noong Agosto.
Dinala pa ito sa pagamutan sa Berlin kung saan lumabas sa pagsisiyasat na nakainom ito ng isang uri ng chemical na Novichok na gawa ng Russia.