Naitala ng Russian freediver ang bagong world record sa free dive.
Nagawa ni Alexey Molchanov ang 125 meters na lalim ng Mediterranean Sea sa ginanap na AIDA Freediving World Championships sa Ajaccio, Corsica.
Lumahok ito sa Constant Weight Bi-Fins (CWTB) category at kaniyang nabasag ang sariling record noong 2023 at nalampasan ito ng isang metro.
Kasabay din nito ay inanunsiyio ang Overall Category sa apat na freediving disciplines na Free Immersion(FIM), Constant Weight (CWT), Constant Weight Without Fins (CNF), at Constant Weight Bi-Fins (CWTB).
Nakuha naman ni Marianna Gillespie ang overall winner sa women’s competition sa loob ng tatlong taon habang sa men’s category ay nakuha ni Petar Klovar ng Croatia na nag-uwi ng gold sa FIM disciplen na may 12.7 meter dive at bronze sa CWTB.