-- Advertisements --
Ibinunyag ni United Kingdom Foreign Secretary Dominic Raab na target ng mga Russian hackers ang Tokyo Olympic Games.
Sinabi nito na pinangunahan ito ng GRU military intelligence ng Russia ang pagsasagawa ng “Cyber reconnaissance” laban sa mga opisyal at mga sangkot na organisasyon ng Olympics.
Ang nasabing atake aniya ay naganap bago maipagpaliban ang laro sa 2021.
Ang nasabing grupo rin aniya ay siyang responsable sa pag-atake sa 2018 Winter Olympics, 2017 French presidential elections at power grid ng Ukraine.