-- Advertisements --

Dumating na sa Kazakhstan ang Russian paratroopers at allied military troops para tumulong sa nagpapatuloy na kilos-protesta.

Nasa 2,500 mga sundalo mula sa Russia, Armenia, Belarus, Kyrgyztan at Tajikistan ang ipinadala bilang peacekeeping forces matapos na umapela ng tulong si President Kassym-Jomart Tokayev sa Collective Security Treaty Organization (CSTO) na isang Russia-led military alliance.

Nakatutok ang Russia sa pagprotekta sa mga mahahalagang state at military facilities at pagpapatupad ng Kazakh law para ma-stabilize ang sitwasyon sa naturang bansa.

Ayon sa mga opisyal ng Kazakhstan, may mga naiulat na namatay sa pagitan ng pulis at anti-government protesters.

Magugunita na unang sumiklab ang matinding kaguluhan sa naturang authoritarian state matapos na tanggalin ang price cap sa liquefied petroleum gas (LPG) na ginagamit karamihan ng mga sasakyan sa naturang bansa.